ᜐᜈ᜕ᜇᜒᜄᜈ᜕

ᜏᜒᜃ᜵ᜃᜎᜒᜈᜅᜈ᜕᜵ᜃᜃᜈᜒᜌᜑᜈ᜕

ᜀᜅ᜕ ᜐᜈ᜕ᜇᜒᜄᜈ᜕ ᜀᜌ᜕ ᜁᜐᜅ᜕ ᜂᜉᜒᜈ᜕ᜌᜓᜈᜇᜓᜅ᜕ ᜐᜋᜑᜈ᜕ ᜈᜅ᜕ ᜋᜅ ᜆᜄᜉᜄ᜕ᜆᜄᜓᜌᜓᜇ᜕ ᜀᜆ᜕ ᜋᜅ ᜆᜄᜆᜅ᜕ᜃᜒᜎᜒᜃ᜕ ᜈᜅ᜕ ᜏᜒᜃ ᜀᜆ᜕ ᜀᜆ᜕ ᜃᜎᜒᜈᜅᜅ᜕ ᜉᜒᜎᜒᜉᜒᜈᜓ᜶

Ang kalinangan (culture) ay ang dugo't buhay ng isang bansa. Nakapaloob dito ang mga kagawian, kaugalian, at kaisipan na bumubuo sa kakaniyahan (identity) ng isang kauriang panlahi. Upang mapagtibay ito, mahalaga ang patuloy na pagpapalaganap at pagpapaunlad sa iba-ibang mga bahagi ng ating kalinangan, lalo na sa paggamit ng ating sariling wika

Ang Sandigan ay naglalayong makatulong sa patuloy na pagtataguyod ng kalinangan at wikang Pilipino na may hangarin na mapagtibay ang ating lipunan. Makakakita kayo rito ng iba-ibang mga pananaw, pagmumuni-muni, at gawa na may kaugnayan sa wika, kalinangan o kultura, at lipunan, kasama na—bagaman paminsan-minsan lamang—ang pulitika (yikes!).